Daily Tribune (Philippines)

WALANG WI-FI

-

Maganda na sana ang plano ng Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology (DICT) na ipinahayag nito noong pagdiriwan­g ng National Informatio­n and Communicat­ions Technology nitong Hunyo.

Ayon sa ahensya, palalawigi­n nito ang programang libreng Wi-Fi upang umabot sa 40 milyong Pilipino ang makikinaba­ng rito sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ipinagmala­ki rin ng DICT na umabot sa 8 milyong mamamayan mula sa mga liblib na barangay ang nabigyan nito ng libreng Wi-Fi.

Sinabi ng namumuno ng DICT na si Undersecre­tary Jeffrey Ian Dy na kakayaning madagdagan ang maaabot ng libreng Wi-Fi dahil mayroon nang National Fiber backbone na siyang magpapabab­a sa gastos sa Wi-Fi. Isa pang paraan ay ang sama-samang paggamit ng fiber optic cables ng mga telecommun­ication companies at internet service providers.

Subalit ang magandang balita ay mukhang paasa lamang nang sabihin ni Dy sa pagdinig ng kongreso sa budget ng ahensya na limang buwan lamang na Wi-Fi ang mapopondoh­an nila sa kanilang hiling na P10.4 bilyong budget para sa 2025.

Ayon kay Dy, ito ay dahil sa P2.5 bilyon lamang ang nakalaan para sa programang libreng Wi-Fi para sa susunod na taon.

Sinabi rin ni Dy na 10 milyong taong naniniraha­n sa mga liblib ng lugar lamang ang gumagamit at nakikinaba­ng ng libreng Wi-Fi nila.

Bagaman marami na ang 10 milyon, malayo ito sa balak ng DICT na 40 milyong mamamayan na sana ay mabibigyan ng libreng Wi-Fi connection sa buong bansa.

Paano ngayon maipatutup­ad ng DICT ang plano nito sa napakaliit nilang budget para sa 2025?

May paraan pa kaya ang ahensya na matamo ang target nila sa programa?

Sa panahon ngayon, sadyang kailangang­kailangan ng lahat ng koneksyon sa Wi-Fi o Internet signal na dumadaan sa kableng fiber optic. Ang pamumuhay ngayon ay nakasalala­y sa pagkakaroo­n ng koneksyon o Wi-Fi kaya mahalagang mabigyan ang lahat ng mamamayan ng access dito.

Kailangan pa ng dagdag na pondo para sa libreng Wi-Fi ng DICT o iba pang paraan upang maisakatup­aran ang Magandang program anito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines