HULI MAN AT MAGALING, NAIHAHABOL DIN
May kasabihan na “huli man at magaling, naihahabol din.”
Ang kahulugan ng salawikaing ito ay anumang magandang bagay na huling ialay ay hindi huli.
Katumbas nito ang kasabihang Ingles na “better late than never.”
Angkop ang katagang ito sa patakaran ng gobyerno na “late registration” ng kapanganakan. Kung sa bagay, wala namang anak ang hindi mabuti kahit huling inirehistro ang kanyang kapanganakan. At sa mga inang huling naiparehistro ang ipinanganak nilang anak, mainam ang late registration upang maging dokumentado sila at kinikilalang mamamayan.
Ngunit ang “late registration” ng mga ipinanganak sa Pilipinas ay nabahiran ng kontrobersya dahil sa suspindidong mayor ng Bambam, Tarlac na si Alice Guo. Sa paglalahad niya ng kanyang pagkakakilanlan sa mga kinauukulan at sa mga mambabatas, sinabi ni Guo na teenager na siya nang makunan ng birth certificate sa pamamagitan ng late registration.
Wala namang masama sana sa late birth registration ni Guo kung matibay ang katibayan niya na siya’y isang tunay na Pilipino. Subalit siya’y isang Intsik dahil mga Intsik ang kanyang magulang.
At dahil inaprobahan ang kanyang late birth registration ng mga kinauukulan, nagkaroon ng pagkakataon si Guo na maging alkalde.
Ang duda sa katauhan ni Guo ay tumindi dahil sa sari-saring impormasyon na naungkat tungkol sa kanya.
At dahil sa ulat na may 1,200 na Intsik na manggagawa sa mga POGO sa Davao del Sur ay nagkaroon ng birth certificate dahil sa late registration, mukhang talamak ang nasabing anomalya
Iniimbestihan na ng Natioal Bureau of Immigration ang si Mario Tizon na siyang civil resistrar sa nasabing bayan. Pansamantalang suspinendido si Mario sa kanyang pwesto.
Taong 1994 pa na civil registrar si Tizon sa Sta. Cruz. Maaaring mas marami pang mga Intsik ang nairehistrong ipinanganak sa bansa dahil sa kanilang late registration.
Nagbabadya na ititigil ang late registration ng birth kung mapatunayang sinamantala ito ng mga Intsik at kanilang kakuntsaba sa loob ng civil registrar at Philippine Statistics Authority.