PUMANAW NA ANG BETERANONG SPORTS JOURNALIST NA SI CHINO TRINIDAD
Ang pagpanaw ng 56 anyos na mamamahayag ay kinumpirma ng kanyang anak sa ABS-CBN News kahapon.
Sinabi ng anak na babae ni Trinidad na namatay siya Sabado ng gabi dahil sa ‘massive heart attack’ habang papunta siya sa isang pulong.
Naglabas ng pahayag ang pamilya sa pagpanaw ni Trinidad.
“Si Chino Trinidad, isang masugid na miyembro ng media at sports community, ay pumanaw kagabi, Hulyo 13, 2024. Kilala ng marami sa pamamagitan ng kanyang pagkukuwento, hindi siya tumigil sa pagbabahagi ng kadakilaan ng mga Pilipino. Siya ay isang mapagmahal na asawa at isang matulungin na ama. Mami-miss talaga siya,” ayon sa pahayag.
Ang Private Schools Athletic Association (PSAA) ay nagpahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni Trinidad.
“Mami-miss ang kanyang booming voice, compassionate words at happy personality,” sabi nito.
“Nawa’y ang mga kalagayan ng kanyang pagpanaw ay magpaalala sa mga atletang Pilipino ng napakahalagang pangangailangan ng mabuting kalusugan sa puso, nutrisyon at ehersisyo,” dagdag ng PSAA.
Sin a bin gas os as yon na mag-a a loki tong sandaling katahimikan para kay Trinidad sa PRISAA National Games, na gaganapin sa Legazpi City, Albay mula Hulyo 20 hanggang 26.
Kilala rin si Trinidad sa pagiging isang sports analyst, simula sa radyo hanggang sa lumipat siya sa telebisyon.
Nagsilbi siya bilang commissioner ng Philippine Basketball League mula 2000 hanggang 2010 at naging consultant para sa Pilipinas Super Cup.
Siya ay kabilang sa mga kandidato para sa Games and Amusement Board (GAB) chairman noong 2022.
Noong nakaraang Mayo, hinirang si Trinidad bilang komisyoner ng propesyonal na liga ng bilyar, ang Sharks Billiard Association.