Daily Tribune (Philippines)

OGIE DIAZ NAGPAKITA NG PHOTO NG DYOWA RAW NI BEA ALONZO

- UNCUT ALEX BROSAS

Sa kanyang YouTube channel ay nagbigay muli ng update si Ogie Diaz sa loveliness ni

Bea Alonzo.

Ito ay matapos niyang itsika na diumano ay may Pinoy na may foreign blood na bagong boyfriend si Bea.

Nagpakita ng ilang larawan kuha sa airport si Ogie na nandoon si Bea at ang guy pero magkalayo sila.

“Pero siyempre, alam natin si Bea, kung saan siya nanggagali­ng. Pero yun nga, may nakarating sa atin na yung isang source nagsasabi na ‘wala ba siyang dyowa ngayon? Single ba siya? Tinatanong ako ha. Hindi ko naman masagot kasi sinasabi niya sa akin, ‘sino yung kasama ni Bea sa airport, lulan sila ng Cathay Pacific? Siguro mga a week ago,” say ni Ogie.

“May kasama daw si Bea na parang foreigner pero magkahiwal­ay sila. Parang natutukan ng paparazzi. Magkahiwal­ay sila. Si Bea ay solo at yung guy ay solo rin,” dagdag pa nito.

“May nagsabi sa akin na ex-boyfriend ito ni Kylie Versoza,” pahabol pa ni Ogie.

Matatandaa­n na kasasabi lang ni Bea na single siya sa presscon ng bago niyang teleserye sa GMA-7.

***

Pokwang nagpatutsa­da sa mga nang-aagaw na babae

M a y matinding hugot si Pokwang sa mga babaeng nang-aagaw ng lalaki kahit na alam nilang may karelasyon ang guy.

Sa Threads ay nagpatutsa­da ang comedienne.

“Yung mga babaeng malalandi, makati ang bi*at kung masaya sila ngayon dahil naagaw ng kalandian nila ang isang lalaki na may pananaguta­n lalo at may batang involve, well THE WRATH OF GOD is coming!” say ni Pokwang.

May kasunod pa ang post niyang iyon at talagang makikita mong matindi ang kanyang galit.

“Di sila matatahimi­k, masaya sila sandali lang pero tandaan may nawasak silang puso at masaya sanang pagsasama, dahil sa kalandian at tawag ng ka p*kp*kan di nila antala si KARMA BAD KARMA SOON!” dagdag pa niya.

Sa paniwala ng netizens ay patama ni Pokwang sa babaeng nakipag-date sa partner niyang si Lee O’Brian.

Bakit ba hindi pa makamove on si Pokwang? Nakakain na naman ba siua ng ampalaya?

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines